Saturday, October 18, 2008

Lumalalang Krisis ng Lipunang Pilipino










Hinikayat ako noon ng aking ama na sumama sa kanya sa isang komunidad sa Quezon City. Sabi niya basic masses integration daw ang tawag dun. Yun bang makikipamuhay ka ng ilang araw kasama ang batayang masa tulad ng magsasaka, manggagawa, o pwede din namang maralitang tagalunsod. Kung gusto ko daw maintindihan kung ano ang kahirapan at ang tunay na kalagayan ng bansa, maganda na sumama ako sa basic masses integration na yun. Hayskul pa lang ako noon. Hindi ko pa talaga gagap kung ano ang ibig sabihin ng kahirapang dinadanas daw ng maraming Pilipino. Namulat ako sa isang maginhawang buhay- yung tipong pagkagising mo may pagkain na sa mesa; may maghahanda ng tubig na ipangpapaligo mo; may maghahatid sa’yong school bus kapag papasok ka na; may regular na baon kang madadala sa tuwing pupunta ka sa eskwela; at nasasamahan mo lahat ng educational trips na sinabi ng titser. Kaya nga mahirap para sa akin ang intindihin kung paano maging mahirap. Ngunit dahil bakasyon noon at puro tulog lang naman ang ginagawa ko sa bahay, pinili ko na ring magBMI.




Sa Payatas, Quezon City pala ang tungo namin. Pagdating doon ay nagkaroon kami ng groupings. Nahiwalay ako sa tatay ko. Ang kasama ko ay isa ring babae na estudyante ng UP Diliman. Napapunta kami sa tahanan ng isang pamilyang ang tanging ikinabubuhay ay ang paghuhukay ng mga bagay na maaari pang pakinabangan sa ‘bundok ng basura’. Para makadagdag sa kita ng pamilya, tumatanggap naman ng labada yung panganay sa limang kapatid kasama ang kanyang ina. Sa limang magkakapatid, tatlo lang ang nag-aaral. Hindi daw kasi kayang tustusan nung magulang kung sabay sabay silang papasok sa eskwelahan. Sa dalawang araw ng paglagi ko doon, maraming pangyayari ang hanggang ngayo’y nasa isip ko pa rin. Hayaan niyong ikwento ko ang isa.




Unang araw ko yun nang sumama ako sa pangangalkal ng basura. Matindi ang sikat ng araw. Mabaho at malangaw yung lugar. Madaming taong naghahanap ng basura sapagkat kapalit ng mga yun ay kaunting barya. Sa gitna ng aming paglalakad, nakita kong pinulot ni Alan (pangatlo sa magkakapatid) ang isang mansanas. Nabubulok na yung isang bahagi nito kaya tinanggal na lang niya ang bahaging nabubulok. Ibibigay niya daw sa ate niya at sa nakababata pa niyang kapatid. Bihira lang daw kasi silang makakain ng ganon. Sumunod naman ay pinulot niya ang isang styrofoam na may lamang unting spaghetti at fried chicken. Alam kong sira na yun pero pwede pa daw, iiinit na lang daw niya pagdating ng bahay. Matagal na daw kasing nagpapabili ng Jollibee yung bunso niyang kapatid. Ibibigay niya daw yun bilang regalo dahil sa pangunguna nito sa klase.




Sa pagkakataong yun, naramdaman kong muntik na ‘kong lamunin na bundok ng basura sa sobrang hiya. Hiya, sapagkat napagtanto kong madaming bagay pala ang hindi man lang nila nararanasan samantalang halos isuka ko na ang mga yun dahil sa umay. Hiya, sapagkat wala man lang akong ginagawa para mabago ang kalagayan nila.




Kalunos-lunos makita ang mga ganong bagay. Nakakalungkot isipin na sa likod ng malalaki at matataas na buildings ng kalunsuran ay may mga taong nabubuhay ng kapos sa kitang magbibigay man lang sa kanila ng disenteng pamumuhay. Nakakalungkot ngunit yan ang nararasan, minsan pa nga’y mas matindi pa, ng marami sa ating kababayan. Yan ang realidad. Yan ang KAHIRAPAN.
--------------------------------------------------------------------------
Ang usapin ng kahirapan ay isa sa pinakamalalang isyu na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan. Maiuugat ito sa kasaysayan ng ating bayan magmula pa ng tayo ay maging kolonya ng mga Espanyol, hanggang sa pagkakaroon natin ng hungkag na kalayaan mula sa mga Amerikano, at hanggang sa kasalukyang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo kung saan lumala pa ng husto ang krisis pang-ekonomiya at pampulitika ng bansa.
Malaking pang-iinsulto at kalokohan ang pagpopostura ng administrasyon na “ramdam ang kaunlaran” sapagakat malinaw na hindi ito ang obhektibong kalagayan ng marami sa ating mga kababayan. Isa ring kahungkagan ang sinasabi ng administrasyon ni Gloria na bumababa na ang poverty rate sa ating bansa. Halos 9milyong Pilipino ang nagsasabing sila’y nakakaranas ng matinding kahirapan. Ito ay ayon sa sarbey ng SWS. Nakakatawa ring isipin na ayon sa administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo kapag daw ang isang tao ay kumikita ng Php30 sa isang araw ay hindi na siya kasama sa mga naghihirap.

Lalo pang pinatitindi ng samu’t- saring polisiyang hindi nagsisilbi sa mga mamamayan ang kahiripang dinaranas ng malawak na mamamayan.

Dagdag na pasakit sa mamamayang Pilipino ang walang habas na pagtaas ng presyo ng langis at LPG. Dahil sa importansya ng papel ng langis sa ekonomiya, kapag tumataas ng presyo nito ay tiyak din ang pagtaas ng halaga ng produksyon kaya naman marami sa ating mga kababayan ang nawawalan ng trabaho sapagkat napipilitan ang maliliit na impresa o kumpanya na magsara. Kasabay din nito ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kaya lumolobo lalo ang gastusin ng maraming pamilya. Aabot sa halos Php19 billion ang kita ng mga kumpanya ng langis sa loob ng isang taon. Ibig sabihin aabot sa Php600, 000 ang kita ng isang kumpanya ng langis bawat oras!

Nagiging bunga din ng krisis sa bigas at pagkain ang papatinding kahirapang kinakaharap ng maraming pamilyang Pilipino. Bilang tugon, lumaki ang iniimport na bigas ng gobyerno at ng mga pribadong kumpanya. Ngunit, katulad ng lagi’t laging sinasabi ng mga magsasaka at ng ibang mga analyst, hindi nalutas at hindi kailanman malulutas ng pag-aagkat ng suplay ang krisis ng bansa sa bigas.

Nariyan din ang problema sa pasahod ng ating mga manggagawa na kung tutuusin ay mumo lamang kaya’t hindi ito makasapat sa puspusang pagtaas ng presyo ng bilihin at mga serbisyo. Ito rin ay maituturong dahilan sa pagtaas ng drop out rate at pagbagsak ng enrollment rate sa mga pribado at pampublikong paaralan mula elementary hanggang sa kolehiyo. Sa paanong paraan? Walang habas ang pagtaas ng mga bayarin sa eskwelehan, kahit nga sa mga public schools ay may babayaran na rin. Sa kabila nito, hindi naman tumataas ang kita ng mga manggawa kaya hindi sila makasabay sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin. Makapasok man ang kanilang mga anak sa eskwela, wala namang kasiguraduhan kung makakatapos ang mga ito dahil sa pangangailangan sa baon at araw-araw na gastusin.

Ayon sa praymer ng League of Filipino Students, ang poverty threshold sa Metro Manila o ang hinahabol na kita ng isang pamilya para mairaos ang kanilang mga batayang pangangailan ay umaabot sa Php10, 000. Ngunit, ayon sa tala ng National Statistics Coordination Board at SWS, ang mabibili sa halagang iyon sa taong 2000 ay katumbas ng ng Php14,980 ngayon. Ipinapakita nito na nagtitipid ng halos Php4, 890 ang maraming pamilya sa kasalukuyan upang pagkasyahin ang kaparehong halagang kanilang ginagastos noong 2000.

Sobra sobra pa ang korupsyong kinasasangkutan mismo ng mga taong nasa gobyerno. Isang matingkad na halimbawa nito ay ang ZTE-NBN deal na nagkakahalaga ng $329M. Ang halagang ito ay katumbas na ng 24 taon na pondo ng ating unibersidad. Isa lamang ang kontrobersiyang ito na kinasasangkutan ng pamilya ng pangulo sa napakahabang listahan. Nariyan ang Jose Pidal scandal, Diosdado Macapagal Boulevard Overpricing, Fertilizer scam, Jueteng, at marami pang iba.

Isa din sa mga itinuturong dahilan na labis na kahirapan ay ang patuloy na pagpapatupad ng mga neo-liberal na polisiya tulad ng patakarang deregulasyon, liberalisasyon, at pribatisasyon sa ating ekonomiya.

Bilang kagyat na tugon sa mga problemang ito, patuloy ang panawagan ng iba’t ibang sector sa pagpapasa ng mga panukalang tulad ng Genuine Agrarian Reform Bill, pagrecall sa Oil Deregulation Law, Php125 na dagdag na sahod sa mga manggagawa, dagdag na subsidyo ng gobyerno sa sektor ng edukasyon, at maging ang batas na nagpapanukala sa pagsuspindi o tuluyang pagtatanggal ng VAT sa langis.

Bilang Iskolar ng Bayan, responsibilad ko na makibahagi sa pagsusuri sa lipunan. Kasabay nito ay ang pakikiisa sa laban ng batayang sektor para sa kanilang mga karapatan. Kaya naman, matapos ang aking mga natutunan sa kursong ito, isa na siguro sa pinakamagandang magagawa ko ay ang pagbabahagi sa iba ng aking mga natutunan, patuloy na pagtangan sa interes ng mamamayan at pagkilos para isulong ito, at patuloy na pag-aaral hindi lamang ng mga isyu sa loob ng akademya kundi sa mas malawak na lipunang aking ginagalawan.


MGA SANGGUNIAN:
IBON Facts and Figures
Hinggil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis (BAYAN)
Hinggil sa Pagtaas ng Presyo ng Langis (Anakbayan)
Understanding high power rates under the Arroyo regime, May 2008 (BAYAN)
KONTRA- Kulim VAT Briefer
Hinggil sa Kasalukuyang Pambansang Situation (League of Filipino Students)



CRISIS

Poverty: n. being poor
Poor: a. 1. Having little money. 2. Below average; inferior
Source: Webster’s Handy Pocket Dictionary








































“…the continuing plight of the Third World was caused directly by people and groups who wanted to keep developing countries poor.”
- Pope John Paul II, 1989


Poverty in the Philippines has been a serious problem for almost a decade now. According to the SWS survey, 40% or 7.1 million Filipinos suffer from extreme hunger. This is far greater than the documented 34% during the last quarter of 2007. In the same survey, 50% or almost 9 million Filipino families say that they are, indeed, tightening their belts due to poverty.

Such figures are very alarming.

After all that I’ve learned from my POSC1 class, I became anxious of what, I, as a student of the premier state university and sociology major, can do to contribute to societal change and development. As an Iskolar ng Bayan it is now my responsibility to be an Iskolar PARA sa Bayan.

I. The Philippines is rich with natural resources.

The Philippines is an archipelago with 7, 100 islands. It has a land surface of 114, 830 square statutes interweaved by mountain ranges and small bodies and systems of water. The Philippines has an irregular coastline that measures twice as long as that of the United States. Thus, the country has numerous fine harbors and landlocked straits.


The Philippines is rich in natural resources. It has fertile plains and valleys conducive for planting numerous varieties of crops. Other products that can be produced by the country are copra, abaca, gums, resins, rubber, and sugar which already have found a good market abroad. Also, timber products, minerals, and metals have been exported to boost the country’s export rate. Metallic minerals like copper, gold, silver, iron, lead, zinc, manganese, and chromium can also be found in the country. However, the production and consumption of those minerals are controlled by large, most of the time, foreign companies. Non metallic minerals are also abundant in the country. One can find minerals like salt, coal, clay, asbestos, sulphur, gravel, limestone, and gypsum. The presence of oil is suspected in some parts of the country, especially in Palawan. However, attempts to locate these sites have never been significantly successful.


Although the country has all those still…


II. Filipinos are extremely poor.

Poverty can be viewed as the result of the fusion of the country’s political and economic crisis. Poverty in the Philippines can be observed in both the urban and rural areas of the country. Recent surveys are providing us with concrete evidences.

According to the latest computations made by IBON Inc, considering the current economic situation of the country, a family must have at least Php871 in a day to cope up with their daily needs. However, the minimum wage earned by a typical employee in a day working at NCR ranges from Php345-382 only. On the other hand, the amount of salary being received by the workers outside NCR could be smaller than this.

The farmers who constitute almost 70% of our total population are also suffering from extreme poverty. Ironically, they till the land and they harvest the crops yet they have no food to fill their stomachs. According to the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, a farmer receives only Php10 per day- that is if he has no debts to pay because of the expensive fertilizers and rent for the land. In the Central Azucarera de Tarlac (Hacienda Luisita) owned by the Cojuangco family, a peasant farmer is paid Php9.50 for a day's work.

The political and economic crisis felt in the Philippines greatly have serious impacts to the youth through the education sector. According, to the Alliance of Concerned Teachers (ACT), there is a need for 41,905 classrooms in public schools all over the country and 25,240 teachers. In the survey conducted by the government itself, it is documented that one out of three Filipinos aged 6-24 years old had dropped out of school or worse, never been to formal schooling. The primary reason for this scheme is the need for each family to have a sufficient income forcing other members of the family, even minors, to work instead of going to school. If this situation will continue, we may expect the country to go from worse to worst since it won’t be able to produce a skilled labor force.


III. What should be done?

Change the system itself.
According to the Marxist approach of class analysis, for as long as the people in power are those who belong to the bureaucrat-capitalists, land lords, and the bourgeoisies, the majority of the people which is composed of the peasants, farmers, and peasant-farmers cannot expect genuine societal change and development.

The Arroyo government had been proposing a shift in our form of government from presidential to parliamentary. However, the political crisis that we are experiencing right now goes beyond the form of government. Even if we change the form of our government, there is still no guarantee that under the parliamentary form, graft and nepotism will vanish or that it will bring integrity and efficiency in public administration. Moreover, the Arroyo government itself had not presented a clear and concrete argument that modifying our form of government to a parliamentary one will resolve the central issue of poverty and its causes.

What needed change is our political system that “produces a government of the moneyed, by the moneyed and for the moneyed” (Lichauco, 1993).

To start this of, we must promote independent, well informed and militant voters. Even though most voters are poor, we must teach them to look at elections as more than the cash or gifts that they may receive in exchange of their votes. We must make them understand that dishonest elections will only bring dishonest people to power thus, resulting to more poverty.

Together with the political crisis comes the economic crisis which impoverishes further our people. Ideally, the purpose of a country’s economic system is to create jobs and provide livelihood for the people and to produce economically affordable goods and services. However, in the Philippine setting, the system didn’t work out that way. Instead, it generated underemployed and underpaid workers whose family, majority, cannot afford a decent living which is vital for their own development.
Another solution for this problem is ending the country’s dependency to foreign countries particularly the United States. For in as far as a hundred year of their domination is concerned, no significant development happened in the country; they only brought extreme exploitation of our resources for their personal gains and great slavery of our people. We can exist without them. China did. Japan did. We are far richer than those Asian countries in terms of resources- if only we can use and develop these resources for our own advancement.
As an immediate response to the present crisis in the country and to somehow alleviate poverty felt by many Filipinos, the government must support the call of the labor sector for a Php125 across the board. This, at least, would help them cope up with their families’ daily needs. In addition, since the largest chunk of the Filipinos belong to the agricultural sector or the farmers; junk the CARP. For within the 20 years of its implementation it had never brought benefits for our farmers. Instead, support the house bill sponsored by the late Anakpawis representative Crispin Beltran- that is, the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). I, myself, am in favor of which. It aims to sincerely distribute lands to farmers- lands which are conducive for farming, lands which will not be asked by the landlords back after its cultivation, lands which are restricted from land use conversion, land which can give sufficient income to our farmers.
The issue of poverty in the Philippines, to be significantly eliminated must be understood and effectively addressed and must be acted upon by the people and for the people.


References:
The Philippine Crisis, Alejandro Lichauco
www.bulatlat.com
Ibon Databank
National Situation, 28 September – 2 October 2007 (BAYAN National Council Meeting)
Si Arroyo at ang lumalalang krisis sa edukasyon (Kabataang Pinoy)
www.bulatlat.com
History of the Filipino People, Teodoro Agoncillo

Followers

Iba't-ibang Mukha ng Kahirapan